ANG KATOTOHANAN SA KUWENTO NG MISTERYOSONG KANTA NA 'SPOLIARIUM' NG ERASERHEADS

 


Picture taken from the official instgram account of Ely Buendia

Ayon kay Ely Buendia sa kanyang paliwanag sa isang podcast na napakababaw lang aniya ang basehan sa kanyang isinulat na kantang sumikat na may pamagat na "Spoliarium".

"Kuwentong inuman"

Mga salitang sinabi nang inilarawan ng dating lead vocalist ng isang alamat na bandang Eraserheads ang kuwento sa likod ng isa sa mga kontrobersyal nilang awitin na "Spoliarium".

Ayon sa kuwento ni Buendia, ang nabanggit na gintong alak sa awitin na kabilang sa kanilang "Stiker Happy" album, ay hango lamang sa alak na Goldshlager. 

"Spoliarium is one of those cases where really the myth has sort of taken over the facts and I kinda like it. I kinda like the myth." sabi pa ni Buendia sa kanyang panayam sa "Wake Up with Jim&Saab" na podcast. 

"Because the actual meaning of the song is also again, just really mundane...Alam niyo yung drink na Goldshlager? So, we were drinking that, and that gintong alak, that's what it meant. It's all about getting pissed drunk," dagdag pa ng isang legendary na Pilipinong rakista.

Patungkol naman sa nabanggit na mga pangalan sa kanta na Enteng at Joey, nilinaw ni Buendia na ito sila yung mga road managers ng banda nila at hindi yung mga matagal ng haka-haka o mga tinuturo ng madla.

"They were roadies. Kaya first time ko nabasa 'yun, that urban legend, sabi ko,'Wow, okay 'to ah.'There really is, sometimes, 'yung mga coincidence like that, you have no power over that. It just happens," paliwanag pa ng rakista.

Kung inyong matatandaan ay itong kantang ito ay binase daw umano'y sa rape case noong 1980s star na si Pepsi Paloma. 

Ayon pa sa kanya, na ang kantang ito ay tungkol sa hangover mula sa inuman. Kung ano man ang maging interpretasyon ng mga tao tungkol sa "Spoliarium" ay wala naman daw problema sa kanya. 

Sinabi niya na sa kabila ng kanyang pagpapaliwanag sa katotohan ng kuwento ng kantang ito ay alam niyang hindi pa rin matitigil ang mga haka-haka ng madla tungkol dito. 

"We were just drinking. It's about the hangover. But you know, whatever people wanna think about that song, it's fine. That's the beauty of of it," tugon ng 50-anyos na rakista at manunulat ng kanta.

"Are you disaapointed?...Pero pustahan tayo kahit sinabi ko na yan, the myth will still go on."








Post a Comment

0 Comments

close