DAHIL SA MATINDING SELOS NI MISTER NA EDAD 16 YEARS OLD AY IKINULONG ANG KANYANG ASAWANG EDAD 71 YEARS OLD, PARA SOLONG-SOLO ANG ASAWA AT HINDI NA MAAGAW PA NG IBA

"Age doesn't matter" Ito ang kasabihang lagi nating naririnig. Mga salitang ang hirap paniwalaan dahil napaka-impossibleng mangyayari sa totoong buhay lalo pa kung ang edad ay grabe ang layo; mukhang sa pelikula lang nangyayari ang ganitong kwento.

Ngunit sa ating balita ngayon, maniniwala ka bang ang dalawang ikakasal ay tila parang apo na ang kanyang magiging kabiyak o parang lola na niya ang kanyang magiging asawa. 

Sa ano mang kadahilanan at ang dalawang ito ay parang tinamaan yata ng pana ni kupido at mukhang in-love na in-love sila sa isa't isa.

Narito ang kwento ng dalawang nagmamahalan. Ang magiging mister niya ay edad 16, samantalang ang magiging misis niya ay 71 anyos naman. Bale, 55 years ang agwat ng edad nila. 

Sa kanilang posts ay akalain mong ang tila mag-lolang ito ay magkabiyak pala. Kung kaya, ang bilis kumalat ng balita at nag-viral na nga sa social media dahil marami ang hindi makapaniwala na ang mister niya na si Salamet ng 16 anyos ang ang kanyang asawang si Rohaya ay 71 anyos naman. 

Kahit sinong makakarinig o makakabasa sa kanilang kakaibang love story at talagang magugulat ka. 

Ang mag-asawang ito kilalang-kilala sa kanilang lugar dahil nga sa pambihirang pagmamahalan at ayon pa sa balita, napaka-seloso nitong si mister sa kanyang asawa na si Rohaya na sa kanyang matinding selos ay umabot sa puntong ikinulong niya na ito upang masigurong hinding-hindi na ito maagawa pa sa iba. 

Sa katunayan nga, kapag lumalabas si mister sa kanilang bahay ay kinakandado niya ito at natitiyak niyang hindi ito makakalabas. 

At dahil dito, sinasagot niya ang mga tanong kung bakit niya ito ginawa; ang sagot niya, ay para wala ng makaka-agaw pa sa kaniyang pinakamamahal na asawa. 

"I have reminded him to diligently pray. I told him to remember the village leader's words. If it is Friday, then; he must go to the mosque to fulfill his Friday prayers. He even invited me to go with him."(Pinaalalahanan ko siya na magdasal nang masigasig. Sinabi ko sa kanya na tandaan ang mga salita ng pinuno ng nayon. Kung ito ay Biyernes, kung gayon; kailangan niyang pumunta sa mosque upang tuparin ang kanyang mga panalangin sa Biyernes. Niyaya pa niya akong sumama sa kanya.) sabi pa ni Rohaya. 

"I want my daughter to be named Putri Permata Sari and my son to be named Andre Maulana."(Gusto kong ang aking anak na babae ay papangalanang Putri Permata Sari at ang aking anak na lalaki ay papangalanang Andre Maulana.) Pagmamalaking sinabi ni Selamet.  


Post a Comment

0 Comments

close