RIDER NG FOOD PANDA NINAKAWAN NG BIKE HABANG KUMUKUHA NG ORDER

Gaano ba kasakit ang mararamdaman kung ang kaisa-isa mong gamit ay ninakaw?Lalo pa kung ang gamit na ito ay ginagamit mo sa iyong hanapbuhay?

Sadyang may mga taong walang awa, kahit na alam nila na ang tao ay marangal na naghanapbuhay maitaguyod lang ang kanyang pamilya.

Sa pangyayaring ito, isang tagapaghatid ng order ng Food Panda ang ninakawan ng bike habang ito ay kumukuha ng order. 

Nagviral ang kuha ng isang netizen pagkatapos niyang makunan ng bidyo ang isang taong nakapo sa sa gilid ng kalsada habang ito ay umiiyak. Kung kaya, ito ay humihingi ng tulong na sana ay may makapagturo kung dinala ang kanyang bike.

Nang siya tinanong ng isang netizen kung anong nangyari, sabi niya na habang siya ay kumukuha ng order sa loob ng kainan upang ito ay maihatid nang bigla umanong tangayin ng di nakilalang suspect ang kanyang biseklita. Sinubukan niya itong habulin ngunit sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ng kawatan kung kaya hindi niya na ito naabutan kung kaya lubos siyang naghihinagpis sapagkat iyon lamang ang kanyang gamit upang maghatid sana ng mga order. 

Marahil dahil sa sobrang pagod na ng rider ng Food Panda kung kaya ay hindi niya na ito nahabol pa. 

Mapapanuod nga sa bidyo na sinabi niyang, "Bakit ako pa. Lumalaban naman ako ng patas, hindi naman ako nang aagrabyado ng tao. Bakit ako pa?!" sigaw nito habang nakaupo sa gilid ng kalsada. 

"Mga demonyo talaga ang mga ganyan walang magawa sa buhay pati ba naman ang mga taong nagsusumikap ng maghanap buhay ay dinadali ng mga walang hiyang yan!"

Dahil nga sa pangyayaring ito ay umani ito na iba't ibang reaksyon mula sa netizen na nagviral ngayon sa social media. 

Sana sa mga taong gumagawa nito ay makonsensiya naman kayo at ibalik ang biseklita niya. Para naman sa mga may mabubuting kalooban, sana ay mabigyan siya ng isang bike upang makapagsimula muli sa kanyang hanap buhay. 

Panuorin ang nakaka-awang bidyo na kuha ng isang netizen habang ito ay nakaupo sa gilid ng kalsada at umiiyak.




Post a Comment

0 Comments

close