Kamakailan lang ay may kumalat na TikTok Video patungkol sa isang guro na possibleng makasuhan ng child abuse.
Ayon kay Department of Education Sec. Leonor Briones sa direktor ng DepEd Central Office na ang nasabing guro ay posibleng makasuhan ng child abuse.
Sa nasabing nagviral na bidyo ay makikita ang isang guro na nakasuot ng uniporme at may suot pang ID ang sumasayaw na tila ay nagpapa-cute at hinahawi pa ang buhok na parang gusto niyang kunin ang attention ng kanyang mag-aaral.
At sa mismong video ay may nakasulat na,"Pag dumaan yung cute na student mo, tamang pa-cute lang," Ito ang mababasa sa nasabing bidyo.
At dahil nga dito, agad na tinawagan ng DepEd Sec. Briones ang DepEd Central Luzon upang paimbestigahan ang nasabing bidyo.
“The Department of Education, as an institution trusted to protect the rights of every Filipino learner, does not tolerate any forms of abuse towards children,” saad ng Department of Education sa statement na inilabas ngayong araw, Nobyembre 5.
Pinaalalahan naman ng DepEd ang mga teachers pati na rin ang mga non-teaching personnel na maging maingat sa kanilang kilos.
“We remind our teachers and non-teaching personnel to always subject our words and actions, including our social media activities, to the highest degree of ethical and professional standards.”
Base rin sa statement na inilabas, patuloy raw ang DepEd sa pagpapatibay ng mga polisiya upang i-promote ang adbokasiya na protektahan ang mga mag-aaral laban sa pang-aabuso.
Naglabas rin naman ng statement ang DepEd Schools Division of Pampanga patungkol sa viral Tiktok video.
“We assure the public that our office exhausts all possible remedies to address thid matter. We have already coordinated with the proper parties/authorities to take down the said video.
“This office also reminds everyone to observe the highest degree of professionalism including the use of social media.”
Hindi rin naman napigilan ng mga netizens ang mag-comment sa naging asal ng guro sa kanyang viral TikTok video.
“Yung teacher ka pero di mo pinag-iisipang mabuti mga desisyon mo sa buhay,” saad ng isang netizen.
Sa kasalukuyan, ang nasabing account ng guro ay hindi na ito mabubuksan dahil ito ay naka private na.
0 Comments