Sa nagdaang ilang linggo, pagkalipas ng paglabas ng dokumentaryo ng Framing Britney Spears, isang video na kuha ng paparazzi ang naging viral.
Sa bidyong inyong mapapanuod ay makikita si Britney Spears na papunta sa coffee shop at humihingi ng tulong.
Bakit nga ba humihingi siya ng tulong? sa kadahilanang may umaaligid sa kanya na mga paparazzi at laging nakabuntot kahit saan man siya pumupunta; mga 321 paparazzi lang naman ang sumusunod sa kanya.
Sa araw na iyon ay aalis siya sa Ritz Carlton hotel sa New York City kasama ang kanyang sanggol na nakasipit sa kanyang braso nang mapuno siya ng paparazzi at mga tagahanga. Habang siya ay lumilipat sa kotse sa tulong ng kanyang mga gwadiya, nadapa siya sa takong ng kanyang sandalyas at nagpapasalamat at hindi niya nabitawan ang kanyang sanggol na si Sean.
Hindi nagtagal, pumasok siya sa FAO Schwartz Cafe at umupo siya kasama ang kanyang sanggol sa kanyang kandungan.
Ang sumunod na mga eksena ay ang pinakamalungkot na sandali ng mga sikat na mang-aawit na nakuhanan ng bidyo.
Nakaupo siya doon kasama ang kanyang sanggol at nang tumingala siya sa paparazzi ay makikita mo na siya ay umiiyak at halatang balisa.
Pagkalipas ng ilang minuto, tumayo siya at lumayo sa bintana habang tinatawanan siya ng paparazzi.
Hindi ako at hindi pa naging tagahanga ng kanya at ng kanyang mga kanta, ngunit hindi ko maiwasang kondenahin ang pag-uugali ng media at paparazzi.
Nagdusa siya ng maraming taon ng walang tigil na at tila hindi na linubayan ng mga paparazzi at naging sanhi ng pagkabalisa, para lamang may ma-ikwento sa mga magazine.
Noong 2007, sinabihan siyang sira ulo at nakikita ang mga taong tumatawa sa mga larawan ng pag-atake niya sa paparazzi gamit ang isang payong na may naka-ahit ang kanyang ulo (kalbo).
Wala makakatulong sa kanya upang harapin ang katanyagan at personal na buhay. Siya ay parang karne na ibebenta sa merkado sa paningin ng lahat. Kahit saan siya pumupunta ay pinag-pipiyestahan siya.
Hindi man tayo fan niya, ngunit dapat respetuhin naman sana siya.
0 Comments