Bagaman ang pag-ibig ay mukhang isang pagsubok na dapat maipasa ng sinuman nang walang mga espesyal na kasanayan, napakakaunting tao lamang na kagaya ni Karine na makahanap ng pag-ibig na parang isang imposibleng makatagpo ng isang forever.
Photo credit from their Instagram Account.
Tunay ngang hindi nakikita sa hitsura ang tunay at wagas na pag-ibig ng sinuman; gaya sa ating kwento ngayon na tungkol sa pag-iibigan nina Karine at Edmilson.
Sa katunayan si Karine ay isang 29 taong gulang na batang babae na taga-Brazil na pinahirapan sa isang genetiko na karamdaman na tinatawag na xeroderma pigmentosum. Ang mga may kondisyong ito ay hindi dapat mabilad sa sikat ng araw o UV. Ang mga nasabing pagkakalantad sa loob ng ilang minuto ay maging sanhi ng malubhang sunog sa balat mula tinding init ng araw. At dahil dito, nawala ang isang labi ni Karine, pati ang kanyang kaliwang tainga, bahagyang nawala ang kanyang ilong dahil nagdulot ito ng isang sakit na cancer sa ilong. Sinubukan ng mga doktor na itayo ulit ito sa pamamagitan ng operasyon, ngunit hindi ito matagumpay.
Sa kabuuan, sumailalim si Karine sa 120 na operasyon para sa pagpapa-aayos nito. Bulag din ang isang mata niya. Hindi siya nag-aaral, sa bahay lamang siya natututo. Ang paghahanap ng trabaho ay dagdag pahirap pa sa kanya. Ngunit sa kabila ng mahirap na pagsubok nito sa buhay ay hindi ito hadlang para kay Edmilson na mahalin at ibahagi ang buhay niya kay Karine.
Nang mabasa at marinig ng mga tao ang kanilang kwento nang siya ay naglunsad ng isang pangangalap ng pondo at humihingi ng tulong upang maisagawa ang kanyang kasal sa kasintahan, at kailangan din niyang ayusin ang kanyang bahay. Ang mga netizens ay agad nagpadala ng pera at suporta para kanilang kasal at ito ay naganap noong Hulyo 31, 2020 at nakapagtayo din siya ng disenteng bahay. Simula noong ibinabahagi ni Karine ang kanyang pang-araw-araw na buhay sa kanyang asawa sa Instagram at ito ay nakakuha ng halos 247k na mga tagasunod.
0 Comments