"Dami ng pangalan ko lord!!!" Ito'y sigaw ng batang umiiyak dahil nahahabaan sa kanyang pangalan.
"Tama na, tama na. Papalitan na yan. Sige na. Ang laki laki mo, umiiyak ka pa! Bakt ba? Sabi pa ng nanay.
Ang batang lalaki na nakilala sa pangalang si Drayven Thomas Diaz na katatapus lang sumulat ng numbers mula 1 hanggang 100.
Nang tanungin siya na kanyang ina na isulat ang buong pangalan niya, siya'y biglang nagsabing,"Gusto ko ng bawasan ang pangalan ko!" Tila ang batang ito ay mukhang pagod na sa kakasulat ng pangalan niyang mahaba.
Siya ay nagrereklamo na ang kanyang pangalan na mayroong labing walong letra (18) ay napakahaba daw.
"Bawasan natin pangalan mo? Ano nalang pangalan mo? Tanong ng nanay.
"Eh, gusto ko Boy Valdez!" sagot naman ng bata.
"Boy Valdez na lang?" sabay tanong ng nanay.
"Opo, mas madali isulat ang 'Boy' tapos 'Valdez' o madali lang yun."sagot naman ng bata.
Oh, sige, sige bukas, papalitan natin. Tumahan na" sabi naman ng nanay.
"Oh, look oh: D, R tapos Y,ano A tsaka Y, V, ano E, tapos N, T, tska H, tsaka O, tsaka M, tska A, tsska S, tsaka D, may tuldok, tska may ano, V,tska may A, tsaka may L, tsaka may D, tska may E, tsaka may Z (sabay iyak na naman)- Mga salitang nabanggit ng bata sa bidyo habang ito ay nagrereklamo sa mahabang pangalan niya.
"Dami ng pangalan ko, lord!!!"sigaw niya habang umiiyak.
"Oh, sige na, bukas papalitan natin. Sige na, isulat mo na ngayon ang pangalan mo." sabi ng nanay.
"Hawakan mo kaya kamay ko!" sabi ng bata.
"Hawakan mo nga ang kamay niyan mamaya." sabi na man ng nanay.
Si Drayven Thomas ay isang kindergarten na nag-aaral sa public school sa Quezon City. Siya nag-iisang anak nina Ray Jay Valdez at Jan Lexine Dionisio.
Ang pangalang Drayven ay hindi naman talaga mahaba. Ipinaliwanag nga ng kanyang magulang na ang pangalan nga daw ng mga pinsan niya ay mas mahahaba pa kaysa sa kanya ngunit iginigiit pa rin ni Drayven na papuntahin ang kanyang mga magulang sa city hall para baguhin at gawin na lamang ng "Boy Valdez".
Si Drayven ay hindi nag-iisa na humarap sa sitwasyon natin ngayon sa panahon ng pandemik na kung saan ang kagawaran ng edukasyon ay sumusunod sa tinawag na "Blended learning sytem" sa buong taon ngayon, kung kaya ang batang ito ay ninanais na makabalik na sa kanyang paaralan.
"Gusto ko na yung totoong teacher!" sigaw pa ng bata habang ito ay sumasagot sa kanyang modyul kasama ang kanyang magulang.
Panuorin ang buong detalye ng kwento:
0 Comments