Gusto mo bang malaman kung saan nagsisimula ang matunog na salita ngayon sa social media na "Lugaw is not essetial"?
'Lugaw, or any food item for that matter, is considered an essential good,'( Lugaw o anumang pagkain ay itinuturing na isang mahahalaga o importante) sabi pa ni Presidential Spokesperson Harry Roque
Anong pakiramdam ng magutom sa madaling araw at hinahanap-hanap ang paboritong lugaw, gusto mong kumain ngunit dahil pinapatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa "NCR Plus" ay hindi magawang lumabas ng bahay upang umorder. Dahil sa ikaw ay gutom na gutom at maisipang umorder na lamang at ng ito ay ihahatid na sa inyong barangay ngunit biglang hinarang ng mga opisyales ng inyong barangay at sasabihing bawal ang lugaw dahil hindi yan kinokonsidera na essential?
At dun magsisimulang maglakihan ang iyong mga mata at maitanong sa sarili kung paanong nangyari at hindi na pala essential ang lugaw?
Yan ang nangyayari nung March 10, Tuesday at around 1:00 ng madaling araw nang harangin itong kinikilalang si Marvin Ignacio, isang delivery driver 23 anyos na napansin niyang may komosyon sa pamamagitan ng may-ari ng tindahan at ilang local law enforcers.
Ang nasabing komosyon ay nangyayari sa Harmony Hills 1 Subdivision, Barangay Muzon in San Jose del Monte, Bulacan.
Nang makita niya ang kaguluhang ito ay agad niyang kinuha ang kanyang telepono at sinimulang mag Facebook live para makunan ang buong panyayari. Kung kaya, ang kanyang kuha ay nag-viral at nakakuha ng libu-libong manunuod.
Makikita na ang isang tanod at mga pulis ay tinatanong ang may-ari ng tindahan kung bakit sa kalagitnaan ng gabi ay nasa lugar pa rin na kung saan ay ipinapatupad ang curfew.
Pinaliwanag naman ni Ignacio na sila ay kinokonsedirang "essential (mahahalagang) workers) at ang lugaw na kanilang tinitinda ay "esential (mahalaga)" kasi nga ito ay isang pagkain ngunit ang kanyang paliwanag ay hindi tinanggap ng law enforcers bagkus ito ay pinagbantaan na isyuhan ng ticket ang driver at ang may-ari ng tindahan.
Si Ignacio ay isang delivery driver simula pa noong nagkapandemya para suportahan ang kanyang pamilya.
Nagsisimula ang panibagong lockdown noon Lunes, March 29, ngunit sabi ni Ignacio na sila ay nasita nitong Martes lamang.
Sinabi niya ngang iwasan niya daw munang lumabas para sa kaniyang kaligtasan. Ang problema ay kung paano niya susuportahan ang kanyang pamilya.
Ayon pa sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, nilinaw nito na ang pagkain o pagtitinda ng pagkain ay pinapayagan oras ng curfew sa mga lugar ng tinatawag na "NCR Plus" bubble: Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
Oorder ka pa ba ng lugaw?
Panuorin ang buong kwento ng 'Lugaw is not eseential mula sa bidyo ng Rappler.com".
0 Comments