OFW NAKAKA-AWANG SINAKAL AT BINUGBUG DAHIL AYAW IBIGAY ANG PASSPORT NITO


 

"Tumawag ka ng pulis!!! Don't push me to do this! I will call police. It's not good! You are hurting our people!" 

(Muntik ng maagaw ang cellphone na ginamit sa pagkuha ng bidyo, buti na lang at hindi inabot ng mabilis na kamay ng isang lalaki habang kinukunan sila nito.)

Ito ang mga salitang maririnig sa loob ng isang kwarto habang sinasakal at pinagtutulungan ng kanyang amo ang isa nating kababayan. 

Maririnig mula sa bidyo ang pagmamakaawa at  nanlaban nating kababayan habang sinasabihan nito tumawag ng pulis ang isang kababayan natin na kumuha ng bidyong ito.

Sinakal na at dinaganan pa ang ating kababayan na tila walang magawa sa naglalakihang katawan ng amo niya. 

"I can't breathe. I can't breathe." Sabi pa ng ating kababayan. 

Pagkatapos ng eksinang iyon ay makikita at maririnig sa bidyo ang pag-uusap na gamit ang banyagang salita na tila pinaglalaban ng isa nating bayaning pinoy na handa ring ibuwis ang buhay mailigtas lang kababayang walang awang sinasakal at binugbug ng kanyang amo.  

Habang nagsisigawan ang mga ito ay makikita naman sa likod ng bidyo na patuloy na sinasakal at sinasaktan ng kasamahan niyang amo. 

"Tawag ka ng pulis. Tawag ka ng pulis!" Sabi ng ating kababayan.

Makikitang pilit kumawala ng ating kababayan ngunit sadyang malalaki ang mga ito. 

Sa gitna ng bidyo ay kumalma saglit at maririnig na pilit kinukuha ng mga lalaki ang passport ng ating kababayan ngunit iginigiit nitong wala silang karapatan na kunin ang passport niya. 

Muling nagsigawan at tinangka na namang hablutin ng lalaki ang cellphong hawak ng isa nating kababayan ngunit mabilis nitong iniwas at habang sinasaktan na naman ang ating kababayan ay makikita sa bidyo na biglang lumbas ng kwarto ang ang isang kababayan natin na may hawak ng cellphone at tila tatakas upang tumawag ng police, ngunit siya ay sinundan at naabutan ito. Maririnig sa bidyo na pilit na naman itong papasukin sa loob ng kwarto at biglang may malakas na tunog ng sampal at biglang mamamatay ang bidyo. 

Hindi man natin malaman kung ano ang katapusan nang pag-aaway na ito ngunit ipagdasal na lang natin na sana ay ligtas silang nakaalis sa lugar na iyon. 

Para sa kabuuang detalye, panuorin ang aktwal na bidyo kung saan sinakal at binugbug ang ating kababayan dahil ayaw ibigay nito ang kanyang passport:



Post a Comment

0 Comments

close