Makikita sa bidyong nag-viral ang isang ginang na Filipina, 65 anyos na pinagsisipa hanggang sa matumba malampit sa Times Square in Manhattan, New York Cityn nitong Lunes lang.
Ang biktima ay nakilala ng pulis na si Vilma Kari na habang naglalakad sa lansangan ay may nakasalubong itong isang lalaki at sinipa siya sa kanyang tiyan ayon pa sa report ng The New York Times.
Sinipa ang ginang at natumba ito sa daan at hindi pa nakontento ang lalaki at sinipa pa ito ng tatlong beses habang tinangka ng ginang ng tumayo.
Ang nakakalungkot lang ay habang tinatadyakan ang matanda ay makikitang tiningnan lang siya ng lalaki sa loob ng gusali at hindi man lang inawat at napansin ito ng kasamahang nasa loob; imbes na tulungan ay sinara pa nito ang pintuan na tila ay walang nangyayari.
Ang insidenting ito ay kuha sa CCTV na ibinahagi ng New York Police Department sa pamamagitan ng Twitter.
“WANTED for ASSAULT: Do you know this guy? On 3/29/21 at approx 11:40 AM, in front of 360 W 43 St in Manhattan, the suspect punched and kicked a 65-year-old woman while making anti-Asian statements. Any info? DM @NYPDTips or anonymously call them at 800-577-TIPS,” ayon pa sa NYPD sa kanilang post.
Tunay ngang nakakaawa at tila ay dumadami na ang mga anti-Asian. Sana ay mahinto na ang ganitong racial discrimination.
Panuorin ang karagdagang detalye sa kwento mula sa GMA News:
0 Comments