SINIMOT NG GRUPO ANG LAHAT NG LAMAN NG ISANG COMMUNITY PANTRY


May nagviral na naman kamakailan lang sa social media at nakunan pa ng CCTV ang isang grupo ng anim na babae na may dala dala pang ecobag. Ito ay tungkol sa paninimot ng laman ng isang community pantry sa lungsod ng Pasig. 

Sa kuha ng CCTV, mapapansin ang isang grupo ng babae ang dumarating papunta sa Barangay Kapitolyo na kung saan makikita pa na punong puno ang lamisa ng iba't ibang uri ng pagkain. 

Itong sinasabing grupo ng kababaihan ay may dala dala pang lalagyan na mukhang makikita mong talagang may plano sila o planado ang kanilang ginagawa. 

Maya maya pa ay pinalibutan ng mga babae ang lamesa at sinimulan nitong magdampot; kanya kanyang kuha ng mga pagkaing nakalagay sa lamesa. Sa katunayan nga nito, makikita rin sa video ang isang babae na bitbit ang dalawang tray ng itlog. 

Hanggang sa ilang saglit ay simot lahat ng laman ng lamesa. 

Sabi pa ni Carla Quiogue na siyang nagtayo ng nasabing community pantry,"Wala na silang itinira eh".

At biniro niya pa itong grupo ng babae at sinabi niyang nakalimutan pa ata dalhin ang lamisa at biglang sumagot naman itong ipamimigay daw nila sa kanilang kapitbahay ang kanilang mga kinuha para hindi na umano sila pumunta pa sa pantry. 

"Tinawag ko pa nga po sila, sabi ko nakalimutan nila 'yung lamesa kasi wala na talaga silang tinira. Sabi lang nila, 'Ibibigay na lang po namin 'to sa mga kapitbahay namin.' Sabi ko sa kanila, 'puwede namang sila na lang pumunta rito kung kailangan din ng mga kapitbahay niyo," kwento pa ni Carla. 

Tila naklimutan ng grupo ng babae na ito ang tagline ng community pantry,"MAGBIGAY AYON SA KAKAYAHAN, KUMUHA BATAY SA PANGANGAILANGAN".

Panuorin ang buong eksena na kuha sa CCTV:


Video: Courtesy of Carla Quiogue

Post a Comment

0 Comments

close