APPLE TREE SA PILIPINAS MATAGUMPAY NA NAGBUNGA! ITINANIM NG ISANG AGRICULTURE STUDENT SA DAVAO DEL SUR

Alam naman natin kung gaano ka-imposibleng mabuhay ang isang prutas na tangng sa mga malalamig na bansa lang ang may kakayanang makapagbuhay ng isang mansanas o apple. 

Out of curiousity, sinubukang tinanim ang puno ng mansanas na sinamahan niya ng tiyaga at masusing pananaliksik kung kaya ang kanyang farm ngayon ay meron ng 300 puno. 

Ang henyong studyante ng agriculture na si Benzone Kennedy F. Sepe, 30, na nakatira sa Kapatagan, Digos City, Davao del Sur, dahil sa kanyang curiousity ay sinubukan niyang itanim ang mga buto nito matapos niyang kumain ng nasabing prutas; pitong taon na ang nakalipas. 

Ang unang ginawa niya ay pinasibol niya muna sa seashells at kalaunan, ng lumaki nang limang piye ay tsaka niya inilipat sa seedling bags. At matapos ang ika-anim na buwan ay inilipat niya ito sa lupa. 

Sa kasawiang palad, sa dami ng kanyang itinanim ay isa lang ang nabuhay. Dahil dito, masusi niya itong sinaliksik at pinag-aralan kung paano mapalaki ito at magbunga.

"I pruned the plant, but it did not end there. I found out a proper way on the internet and that the branch should be bent for sunlight exposure" Pagbabahagi ni Benzone. 

Makalipas ang ilang taong pag-aaaral, pagtitiyaga at determinasyon, ang kanyang itinanim na puno ay nagsisimula na itong namulaklak. Kung kaya, nitong September 2018 ay naipitas nito ang kauna-unahang apat na pinkish-red na mansanas na kasing laki lang ng kamao. 

Matagumpay niya itong napitas at sinubukan niya itong tikman upang ma-kumpara mula sa mga binibentang mansanas sa mga fruit stand at kanyang tanim na prutas. At nang tinikman, ang sabi niya,"I cannot see any difference between that and commercial apple because the juiciness and crunchiness are still there."

Sa isang panayam mula sa ABS-CBN News kay Department of Agriculture Region XI, Director Bong Oñate, sinabi nito na si Benzone ang kauna-unahang matagumpay na nakapagpalaki ng puno ng mansanas sa buong Mindanao. 

Ano nga ba ang inspirasyon ni Benzone para magtanim ng mansanas sa bansa na may mainit na klima?

Naisip niyang magtanim ng mansanas sa bansa dahil siya ay na-inspire nung siya ay bumisita sa bansang Korea. Nabasa niya sa isang magazine ang tungkol sa mga magsasakang koreano na nagtatanim ng mangga sa mga greenhouses. Kaya ang sabi niya, baka pwede ring magtanin ng mansanas sa ganung sistema. 

Kaya nung siya ay bumalik sa bansa, sinumulan niya agad ang masusing pag-aaral tungkol sa kung paano ito itanim ng tama. 

Sa kanyang interview, nasabi niyang dapat sa pagtatanim nito ay kailangang maraming buto ang iyong itatanim sapagkat hindi lahat ng mga ito ay mabubuhay. 

"If you want to start growing apples from seeds, you have to plant as many as you can. One hundred or more apple seeds if possible." Sabi pa ni Benzone. 

Naibahagi niya at sinabing, bagama't mahirap magpalaki ng apple sa ating bansa ngunit ito ay posible. Aniya, sa temperate climates, mamumunga ang mansanas pagkatapos ng lima o hanggang pitong buwan, ngunit dahil sa malamig ang area na kung saan nakatira si Benzone, ito ay inabot lamang ng apat na buwan bago ito namunga. 

Dagdag niya pa na ang buto ng mansanas ay may mababang germination rate o pagtubo. At kagaya ng ibang prutas, ito ay nangangailangan din ng alaga laban sa peste. 

Si Benzone ay isang vlogger at regular na nag-a-upload ng videos sa Kapatagan Apple Orchard Digos City Benzone YouTube Channel. 

Sa kanyang farm, ay makikita ang iba't ibang prutas gaya ng Persimmon, pear, hass avocado, orange, ubas, durian, strawberry at iba't ibang gulay. 

Ang Agricultural Training Institue is a certified Learning Site for Agriculture (LSA) para sa produksyon ng mansanas. 

Ang kanyang farm ay bukas para sa lahat ng bisita at
mga estudyante na gustong matutunan kung paano magtanim ng mansanas. 

Post a Comment

0 Comments

close