BISEKLETA ANG SERVICE NG BAGONG KASAL, NA GAMIT NI MISTER SA KANYANG PANG-ARAW ARAW NG PAGLALAKO -MAANTIG SA KWENTO NG PAGMAMAHALAN NILA


Marami ang naantig na mga netizen dahil sa pictures na kung saan makikita ang bagong kasal na pumapadyak si mister habang kinunan ito ng camera.

Kasal ang pinakasagrado na dapat paka-ingatan dahil ito ang magsisilbing selyo ng inyong pagmamahalan sa harap ng panginoon. Kung kaya, maraming mga kababaihan ang nangangarap na maihaitd sa altar at pagkatapos ng seremonya ay ihahatid sa venue ng handaan at dun naghihintay ang mga kapamilya, kamag-anak, kaibigan at mga trabaho upang pagsaluhan ang kanilang inhihanda sa napaka-importanteng yugto ng buhay ang maikasal sa simbahan.

Subalit, kung ang iyong kabiyak ay hindi makayanan ang ganung handa at walang ganung sasakyan na maghahatid sa simbahan hanggang sa uwian. Sa kwento ng bagong kasal na ito ay hindi iyon naging hadlang upang maihatid sa dambana ika nga nila.

Natapos ang kasal na may galak sa tuwa kahit wala mang el grandeng handa at magagarang sasakayan sapagkat ayon sa kanila ay sanay naman silang mamuhay ng simple basta ang mahalaga ay tunay, wagas at dalisay ang kanilang pagmamahalan.

Kagaya ng sinasabi ng dalawang nagmamahalan sa kanilang sumpaan sa harap ng altar,"sa hirap man o ginhawa" na kahit pa walang masasarap na pagkain sa hapag kainan basta't magkatuwang na harapin ang mga pagsubok sa buhay.

Kung kaya, ang mga kuhang pictures sa dalawang bagong kasal ay kinaantigan ng mga netizen at kung kaya ito ay naging viral sa social media. 

Ayon pa sa mag-asawa,"hindi importante ang magarbong handa at magarbong sasakyan kung sa bandang huli ay sa hiwalayan rin naman ang punta." Dagdag pa nila, "Mas okay na yung
simple kesa sa magarbo, diba yung iba nga bongga pero naghihiwalay din sila."

Sa kwento ng kanilang love story ang makukuha nating aral ay; di bale nang payak lang ang ating pamumuhay, ang mahalaga ay wagas at tunay ang pag-ibig sa isa't isa. 

Post a Comment

0 Comments

close