Madalas ang pag-aaral kung hindi nasa paaralan ay nasa bahay. Ngunit sa kwentong ito, wala sa alin man sa dalawa, na ginagawa ng estudyante ang pag-aaral niya dahil ito ay nasa napakabusy na lansangan sa Maynila.
Ang kuhang larawan ay nag-viral kamakailan dahil makikita sa picture ang ang isang bata, na habang nagtitinda ang kanyang nanay, siya naman ay abala sa kanyang module habang ito ay sinasagutan.
Makikita pa sa isang picture na tila tinulungan ang kanyang anak habang ito ay sumasagot ng kanyang module.
Ang nakaupo at hawak-hawak ang module at lapis ay isang Grade 3 na mag-aaral ng isang pampublikong paaralang elementarya sa Maynila na sumasagot ng kanyang learning module sa tabi ng kanyang ina na nagtitinda sa kalye sa kahabaan ng Padre Faura Street sa Maynila noong Biyernes, Nobyembre 26, 2021.
Ang blended distant learning method ay malawak na ginagawa sa Metro Manila dahil sa COVID-19 pandemic.
Habang sinimulan ng Department of Education (DepEd) ang pilot testing face-to-face classes noong kalagitnaan ng Nobyembre, 100 pampublikong paaralan at ilang pribadong paaralan lamang ang napili para lumahok sa programa sa mga low-risk na lugar sa Pilipinas.
Isang linggo sa pagpapatupad ng pilot in-person classes, sinabi ng DepEd na 56 sa 100 kalahok na pampublikong paaralan sa buong bansa ang nakapagsumite na ng "no-infection" report sa kanilang mga estudyante at guro.
Ang eksenang ito sa kahabaan ng kalye ng Padre Faura ay maaari pa ring manatili nang ilang sandali habang ang banta ng COVID-19 ay patuloy na humahadlang sa normal na harapang mga klase sa buong bansa.
Noong Nobyembre 15, sinabi ng DepEd na wala pa silang pipiliin na paaralan sa Metro Manila kung saan ang mga in-person classes ay pilot test.
Harinawa, na sana ay wala na tayong makikitang batang nag-aaral sa lansangan kundi nasa paaralan na nang sa ganun ay nakatuon na ang isip ng bata sa kanyang aralin at hindi sa gitna ng napakaabalang daanan sa lansangan.
0 Comments