NAG-VIRAL NA LOLANG ISANG KARGADOR SA PALENGKE

Hindi lingid sa ating kaalaman na kapag matanda na ay dapat sa bahay na lang ito, nagpapahinga at sinisilbihan na lamang sapagkat limitado na ang galaw at mahinang mahina na ito. Subalit, sa kwentong mababasa sa artikulong ito, ating ma-saksihan kung paanong kahabag-habag ang kalagayan ni lola, na sa kanyang edad ay nakuha pang magtrabaho bilang kargador sa palengke. 

Dahil dito, nag viral ang larawan ng isang matandang pasan ang mabigat na produktong nakasilid sa malaking sakod kung kaya, samut-saring komento ang natanggap mula sa netizen. 

Sa comment section ng nasabing video, mababasa ang ang pagkahabag nito, "Dapat sa lolang ganyan ay hindi na kumakayod na ganyang kahirap, pasan-pasan ang mabibigat na sakong naglalaman ng mga produkto. Sana naman ang mga anak o maging apo ay tulungan nila nang sa ganun ay makapahinga na siya. Sana sila na lang ang kumakayod at naghahanap buhay kaysa ang matandang alam natin na mahinang-mahina na."

May iilan pa ang nagcomment, "Saan na pala ang pamilya ni lola? bakit parang pinabayaan na nila?".

Sa kuha ng larawan, ay tila tiniis ni lola ang hirap maitaguyod lang ang kanyang pamilya pero sana naman po ay maawa naman po ang mga kamag-anak niya at sana ay pahintuin na lang si lola.

Gayun pa man, para sa iyo lola, sana po ay ingatan na lang po ang iyong kalusugan at sana ay mapansin po ang kalagayan mo ng mga taong may puso at ikaw po ay mabigyan ng puhunan upang makapag-negosyo na lang sa palengke at hindi po nagbubuhat ng mga mabibigat po na sako. 

Para po sa mga anak o apo, sana naman po ay bigyan naman po natin kapahingahan ang ating mga lolo't mga lola dahil, simula't simula, tayo ay inaaalagaan at marahil karamihan ay ginapang tayo sa hirap upang makamit ang kaslukuyang biyayang ating natatamo. Bilang ganti sana, tayo naman sana ang tumulong sa kanila upang sa ganun tayo ay pagpalain din po ng Maykapal.

Post a Comment

0 Comments

close