SINO NGA BA SI RASTAMAN FOR PRESIDENT ?

Napakaraming nagtatanong kung sino nga ba talaga si Rastaman for president?

Photo: ctto

Sino nga ba siya at ano ang tunay niyang pangalan?

-Siya ay si Rolando Plaza o mas kilala sa tawag na Rastaman. Siya ay isang simpleng taong naghahangad na tumakbo bilang isang opisyal ng bansa na ang kanyang hangarin ay tutulan ang banta ng China sa bansa. 

Paano nga ba siya naging viral?

Siya ay nag viral sa social media dahil sa paghahangad na maging susunod na presidente ng Republika ng Pilipinas. Sa mga pictures na kumalat nga sa social media, siya ay may dala-dalang banner na kung saan poprotektahan aniya ang teretoryo ng Pilipinas.

Ayon nga sa kanyang sagot nung tinanong siya tungkol sa kanyang pagkatao na kung saan ito ang naging dahilan kung bakit siya ay naging INTERNET SENSATION. Ito ay nung kanyang sinabi na siya kalahating tao at kalahating zombie. Dahil nga sa sagot na iyon siya ay naging kilala sa komunidad.

Habang siya ay ininterbyu, pinapakita niya sa masa ang mga tattoo sa kanyang mukha. Isa dito ang simbolong Infinity at ang motorbike sign tattoo sa kanyang noo at ang mahiwagang third eye symbol sa kanyang pisngi.

Ayon pa sa hazelnews.com, sinabi niya ang isang napakadamdaming salita para sa mga hindi naniniwala sa kanya.

"Huwag akong hatulan sa aking hitsura, huwag akong hatulan ng aking pag-aayos ng buhok, bigyang pansin kung ano ang aking pahayag at kung paano ko mababago ang mga buhay kung pinili."

Ano nga ba talaga ang Rastaman?

-Ang Rastaman ay sila yung mga taong nasa kalsada na pinaglalaban ang pantay pantay na karapatan ng tao. Ang tawag sa kanila ay Rastafarian.

Hitsura ng Rastafarian

- Ang mga Rastafarian ay kadalasan ay may kakaibang hitsura katulad ng kanilang buhok na naka dreadlocks, ito'y isang istilo ng buhok na halos lahat sila ay naka-ayos ng gaya nito at madalas din ang kanilang balat ay may tattoo ng gaya ng dahon ng Marijuana

Pinagmulan ng Rastafarianism

- Ang rastafarianism ay nag simula sa bansang Jamaica noong 1930's. Sila ay kadalasan nagsusuot ng mga makukulay na damit na kakulay ng Ethiopian Flag; pula, ginto, berde at itim. Ito rin ang pambansang kulay ng Jamica.

Walang malinaw na koneksiyon kung totoong Rastafarian ba talaga si Rastaman for president or hindi. Gayunpaman, isa lang ang tiyak sa kanyang pagkatao. Siya ay napakasimpleng taong naghahangad na tumakbo bilang presidente ng Pilipinas na ang tanging hangarin ay tulungan ang kapakanan ng karamihan. 

Ito ang naging dahilan kung bakit excited ang karamihan sa kahahantungan sa takbo ng kwentong ito lalo higit sa kanyang paghahangad na natumakbo bilang mataaas na opisyal sa bansa kung magkataon. 

Ano ang iyong masasabi kay Rastaman for president? Kung sa tingin mo ay nakatulong ang kwentong ito, comment and share para mas lalong maraming makakaalam ang tungkol sa buhay niya. 

Narito ang bidyo para sa karagdagang detalye, panuorin!


Video credit: Rastaman Sakalam official page.





Post a Comment

0 Comments

close