8,000 PESOS NA HALAGANG PERA NAKITA NG ESTUDYANTE SA ATM

Alam natin na marami sa mga kawani ng gobyerno ang nakatanggap na ng kanilang bonus at malamang ito ay nagastos na at ang iba ay baka ay na-withdraw na ngunit hindi alintana sa pag-withdraw ng pera ay walang lumalabas kaya ang iba sa atin ay bigla na lang umalis at hindi man lang ini-report sa guardiya para magpatulong o i-report sa tauhan ng bangko para i-check. 

Napakahirap kumita ng pera lalo higit paparating ang pasko napakaraming gustong bilhin. Ngunit, ano ba ang gagawin mo kung ikaw ay nakakita ng pera na iniluwal mula sa ATM habang ikaw ay nakatayo upang mag-withdraw?

Ang halagang lumabas sa harapan ng isang estudyante ay 8,000 pesos, habang ito ay nakatayo mismo sa harap ng machine. Ang estudyanteng ito ay isang working student na si Jeanette Cortez Real ng Bacoor, Cavite. 

Nagviral kamakailan sa social media ang post mula kay Jeanette noong November 22, 2021. Ang post na ito na may pictures na nagpapakita habang ito ay mag-wiwithdraw sana ay umani ng libu-libong likes, reaksiyon, at shares. 

Sinabi niya na akmang mag-wiwithdraw sana siya ay biglang may lumabas na pera at agad daw niyang hinanap ang may-ari ngunit sa sobrang daming tao sa mall hindi niya na ito nahagilap kung kaya agad itong dumiritso sa sa bangko upang ipagbigay alam ang nangyari tungkol sa perang kanyang nakita habang siya ay nasa harap ng machine na ang tanging hangad ay maibalik ang pera sa may-ari dahil naintindihan niya rin daw kung gaano kahirap humanap ng pera sa panahon ngayon.

Narito ang post ni Jeanette Cortez Real sa kanyang opisyal na FB Account: 

Pinaunlakan niya ang interbyu mula sa DZMM Teleradyo noong Nobyembre 29, 2021. Kanyang ikinwento ang buong pangyayari.Aniya, "After po ng shift ko sa call center po, nagpunta kami sa isang mall para mag-withdraw po sana ng pera. Nung ako na po yung magwi-withdraw, isasaksak ko pa lang yung ATM ko may lumabas na po na pera, ‘tapos medyo malaki po ang pera.Nasa PHP7,900, then kasama din po yung resibo."

Nang makita niya nga na naglabas ng pera ang machine ay agad itong nagtungo sa gwardiya na malapit sa ATM para isauli ang pera sa may-ari at agad itong nagtanong kung may CCTV ang bangko upang malaman ang tunay na may-ari ng pera, at ito ay sinagot ng gwardiya na, "Mahaba pa po ang process niyan mam." Kung kaya, ang ginawa ng estudyanteng ito ay nag-iwan ito ng contact number upand isauli ang pearng kanyang nakita. Pero, siya ay pumasok sa loob ng bangko at binigay ang pera kasama na ang resibo nito.

At dahil nga dito, sabi niya na siguradong maibalik sa may-ari ang perang kanyang sinurender dahil makikita naman ito sa resibo na kanyang binigay. 

At sinabi niya nga sa interbyu na hindi na siya na update kung naibalik na ba sa may-ari ang pera," Hindi na po ako binigyan ng bagong details ng bangko, parang sila na po ang mag-aasikaso. 

Nabanggit niya pa na kahit gaano kahirap ng buhay ay hindi sumagi sa isip niya na ibulsa ang pera.

Siya ay isang Hotel and Restaurant Management student at sa gabi naman ay call-center agent siya. Siya rin ay isang scholar at the same time angtatrabaho upang matustusan  ang kanyang schooling at para na rin makatulong sa pamilya. 

"Ang hirap din magtrabaho lalo na ngayon po, pandemic. Siguro yung may-ari po noon, mas grabe pa po yung hirap na pinagadanaan niya para kitain yung pera na iyon.

"Tapos kung kukunin ko siya, aangkinin ko siya, sobrang mali po."

Nailahad niya nga na ang balance ng kanyang atm card ay 96.00 pesos na lamang ngunit hindi talaga sumagi sa isip niya na ibulsa ang pera. Ganunpaman, siya ay natuwa sa pagkat napakaraming papuri at pasasalamat mula sa netizen ang kanyang natanggap.

"Na-overwhelm din ako. Yung friend ko nagsabi na i-post baka makita baka sakaling [mabasa ng owner]. Ma-aware na na-debit po siya."

Sabi pa ni Jeanette, "Sobrang na-appreciate ko po yung compliment ng tao. And sana gayahin po nila ang ginawa ko."

Pinuri ng host na si Bernadette Sembrano si Jeanette dahil sa pagiging tapat nito.Sagot naman ni Jeanette, "Kaya po kung gugustihin, kaya. "Sana ganoon lalo na ngayon, sa hirap ng buhay ngayong pandemic, lahat naman po nagsisikap para kumita. "Kaya sana kung ano yung para sa kanila, ibigay po." sa kanyang pagtatapos.   


Post a Comment

0 Comments

close