"If we're going to lower the consumption of rice per capita, hindi natin kailangan mag-import ng mag-import"(Kung babaan natin ang pagkonsumo ng bigas per capita, hindi natin kailangan mag-import ng mag-import.)
Nais ni Presidential Aspirant at Manila City Mayor Isko Moreno na bawasan ng mga Pilipino ang konsumo ng bigas para hindi masyadong bumili ng bigas ang Pilipinas sa ibang bansa.
Kung papalarin siyang mahalal, hikayatin ni Moreno ang mga tao na gayahin ang mga Koreano at Hapones na hindi masyadong kumakain ng bigas. “Nasa 130 kilos per capita ang konsumo ng Pilipino sa bigas. Sa Japan, sa Korea nasa 50 [kilos] lang,” said Moreno. “Sa kanila kapag kakain ng kanin konti lang kasi maraming gulay. Tayo baliktad. Dahil mahal ang ulam, mahal din ang gulay kaya gagawin ng tao para mabusog siya, kanin ang titirahin niya,” dagdag niya pa.
Masama rin daw sa kalusugan ang sobrang pagkain ng kanin. Ayon sa pag-aaral ng Philippine Statistical Authority (PSA), 93% ng mga Pilipino ang kumakain ng kanin araw-araw.
Naniniwala ang alkalde na kung mas gusto ng mga Pilipino na kumain ng gulay, hindi na kailangan pang mag-import ng Pilipinas. “Kung babaguhin natin ang ugali ng pagkain sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas abot-kayang gulay, kung babawasan natin ang konsumo ng bigas per capita, hindi natin kailangan mag-import ng mag-import,” paliwanag ni Moreno. Bibigyan din daw niya ng prayoridad ang mga magsasaka sa bansa.
Plano rin ng alkalde sa ilalim ng kanyang administrasyon na maghain ng mas maraming bigas kaysa gulay sa mga pampublikong paaralan. Para makamura ang mga gulay, aasikasuhin din ng alkalde ang agrikultura sa bansa. “Kahit maturuan mo ang tao, kung hindi naman available ang gulay at yung gulay ay imported, para lang tinangkilik natin ang gulay ng ibang bansa,” sabi pa Moreno.
0 Comments