Matatandaang kamakailan lang ay nagviral sa social media ang biglang pag-alis ng legendary ng Eat Bulaga na sina Tito, Vic and Joey na kilala sa tawag na TVJ.
Isang source ng Abante entertainment columnist na si Jun Lalin, ang nagsabi na ang palabas na "Eat Bulaga" ay magiging live sa Lunes, ulat ng Abante.
Ayon sa hindi pinangalanang source ng columnist, ito ay magkakaroon ng mga bagong host na magpapatakbo ng palabas. Limang pangalan ang lumabas sa ulat na sina Paolo Contis, Betong, Buboy Villar, Alexa Miro at Kuya Kim Atienza.
Nilinaw ng source na sa Sabado lang sasali sa show si Kuya Kim dahil isa rin siya sa mga host ng "TiktoClock."
Sinabi rin ng source ni Lalin na may iba pang makakasama sa show bilang host bukod sa limang nabanggit.
Matatandaang kamakailan ay nagpaalam sina Tito, Vic, at Joey sa Tape Inc., ang kumpanyang nasa likod ng produksyon ng noontime show.
Ipinanganak noong Oktubre 14, 1946, si Jose Maria Ramos de Leon Jr., kilala bilang si Joey de Leon, ay isang iconic na aktor, komedyante, at host ng telebisyon sa Pilipinas. Siya ay miyembro ng comedy trio na sina Tito, Vic, at Joey na nakagawa na ng ilang comedy movies at TV shows. Kilala rin si Joey sa pagiging pioneer host ng longest-running noontime show sa bansa, ang “Eat Bulaga.” Ito ay pinalabas noong Hulyo 30, 1979.
Sa pamamagitan ng social media, si Michael V. ay nagsulat ng isang makabuluhang post. Ang post ng beteranong komedyante ay tungkol sa noontime show na "Eat Bulaga." Sa kanyang post, isinulat ni Bitoy ang ilang misteryosong mensahe kung saan binanggit niya ang "Panibagong laban."
Kamakailan ay nag-Instagram si Joey de Leon at nag-post ng larawan ng isang resignation letter. Matatandaang naunang nag-post ng parehong larawan si Pauleen Luna. Ang nasabing liham ay pag-aari nina Jose Manalo, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, Wally Bayola, at Allan K. Ang mga host ng 'Eat Bulaga' na ito ay nagsumite ng dokumentong ito pagkatapos magbitiw sa TAPE sina Joey, Tito Sotto, at Vic Sotto.
0 Comments