Kamakailan ay nag-viral ang ang isang memorandum na diumano patungkol sa isang paghahanda para sa sinasabing "3rd World War".
Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes na peke ang umano'y kumakalat na memorandum na naglalaman ng ilang "re-proposed measures" bilang paghahanda para sa "3rd World War".
“Walang signature e. Wala rin control number. By the looks alone, mukhang di official…Yes (this is fake) walang pirma eh...Walang ganyang document from [Office of The Chief Directorial Staff],” sinabi ni PNP public information office chief Police Brigadier General Redrico Maranan sa mga mamamahayag sa isang mensahe.
(Wala itong pirma. Wala rin itong control number.. Sa hitsura lang, parang hindi opisyal. Oo, peke ito, walang pirma. Walang ganoong dokumento mula sa OTCDS)
Ang memorandum ay patungkol sa liham diumano mula sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Secretary Guiling Mamondiong na nagmumungkahi ng mga hakbang upang palakasin ang panloob at panlabas na depensa ng Pilipinas bilang paghahanda sa World War 3.
Kasama sa mga hakbang na ito ang mga sumusunod:
pagpapalista bilang mga reservist sa militar ang mga mandirigma ng Moro National Liberation Front, Moro Islamic Liberation Front, at ng Cotabato Revolutionary Command kasama ang lahat ng iba pang armadong grupo na sumusuporta sa Marcos Presidency
pagpapakilos sa lahat ng Reserved Officers Training Corps upang sumailalim sa pagsasanay sa militar at pulisya upang maging bahagi ng National Guards
pagpapakilos ng hindi bababa sa limang milyong mamamayan upang bumuo ng National Guards mula sa mga sibilyang mamamayan
Ang mga tatanggap ng memorandum ay hiniling na magbigay ng mga komento, input, at rekomendasyon sa mga iminungkahing hakbang.
Hiniling din sa kanila na isumite ang kanilang mga aksyon na ginawa sa Directorate For Human Resource And Doctrine Development.
0 Comments