PINAHIYA NG HAMBOG NA MGA MAY-ARI NG SASAKYAN ANG SIKLISTANG MUNTIK NG MABONGGO!

Kamakailan lang ay nag-viral sa social media ang video ng isang nagpakilalang mayaman at pinahiya ang isang siklistang muntik ng mabunggo.

Nai-record ng isang nag-aalalang netizen ang isang kaguluhan sa pagitan ng isang nagbibisikleta at mga may-ari ng kotse umastang mayabang at pinapahiya ang nagbibisikleta. Ang videong ito na ibinahagi ni Mark Jandy J. Ortillana na nagviral sa social media, particularly sa Facebook. 



Sa bidyong ito ay makikita na ang dalawang lalaki na parehong nakasuot ng puting damit na tila pumipigil sa dumadaang lalaki na pilit lumayo sa mga nasabing lalaki. Ayon sa kumuha ng bidyo, pinapagalitan umano ng nagbibisikleta ang mga may-ari ng kotse dahil muntik na umano itong mabangga.

“Biker: Parang kayo pa po ang agrabyado! eh ako na nga tong muntik makadisgrasya,” ang mababasa mula sa nag-upload ng bidyo.

Gayunpaman, ang may-ari ng kotse ay mayabang na sumagot sa siklista, “Bakit? Mahal ba yang bike mo? At biglang sabi sa biker na pag ma disgrasya ka ipapa- hospital kita, kaya kitang ipagamot. ”

Tila hinahangad ng sinasabing mayaman ang siklista na maaksidente ito kaysa magasgasan ang kanyang sasakyan,“Eh pag nadisgrasya mo sasakyan ko may pambayad kaba? ” dagdag pa nito. 

At biglang may isang lalaki na tila gustong makisali sa gulo. Sinubukan nitong hilahin ang kanyang bisikleta at maya-maya ay may isang lalaki din na dumating upang tulungan ang siklestang pinapahiya ng nasabing mayaman.

Samantala, ang bidyong ina-upload sa Facebook ay naging viral at nakatanggap na mga komentong masasakit at na nagpapalabas ng kanilang sama ng loob at galit laban sa nasabing mayaman na may-ari ng kotseng namahiya sa isang siklestang mababa ang antas kaysa sa kanila. 

Upang mapanuod ang buong istorya na ito ay maaari po lamang iclick ang link sa ibaba:


Pinahiyanghambog.mp4

Ano ang inyong masasabi sa taong nanghahamak?


Post a Comment

0 Comments

close