SINUNOG NG MGA HINDI KILALANG SUSPEK ANG MOTORSIKLO NI BILLY JACK SANCHEZ

Sa kanyang pinakabagong video na nai-upload sa kanyang channel sa YouTube, malungkot na inihayag ng kontrobersyal na rapper na si Billy Jack Sanchez na ang motorsiklo na ipinagmamalaki niyang ginagamit upang makarating sa lugar ng mga nangangailangan ay sinunog umano ng hindi kilalang mga salarin.

Ikinuwento ni Billy Jack na hindi niya alam kung sino ang maaaring sumunog sa kanyang motorsiklo dahil wala siyang kaaway ng personal maliban sa mga tao sa social media. Ayon sa kanya, may nagbuhos umano ng gasolina sa kanyang motorsiklo upang sadyang masunog ito.


Hindi niya alam kung bakit may mga taong naiinis sa kanya kahit na sinusubukan niyang magbago. Ipinakita niya ang kanyang pagkabigo sa mga taong naiinggit na hinila siya pababa sa kabila ng kanyang kilos na nagbabago ng kanyang buhay.

“Bakit kayo maiingit sa taong nagbabago? Bakit parang gustong gusto niyo masasamang tao yung dating katulad niyo ay hinahatak niyo pababa, ganoon ba talaga kayo kainggit sa mga dating salbahe na kayang magbago? Bakit hindi nalang kayo magbago?” sabi pa ni Billy Jack.


Nangako pa rin siya na kahit nasunog na ang kanyang sasakyan, susubukan pa rin niyang tulungan ang mga tao sa malalayong lugar. Ipinakita ni Billy Jack ang tunay na video ng kanyang motorsiklo habang nasusunog.

Makikita na habang nasusunog ang kanyang motor, naapektuhan din ang mga kable ng kuryente sa itaas. Agad na napatay ng mga kapitbahay ni Billy Jack ang apoy ngunit tila hindi mai-salba ang kanyang pinakamamahal niyang motor na maririnig sa kanyang video na ito ay tinatawag niyang "Baby".

Makikita sa video na siya mismo ang kumuha:


Sa mga hindi pa po nakakaalam kay Billy Jack Sanchez, siya ay isang motorcycle rider at rapper matatandang humamon kay Tulfo na magpa- IQ test para mapatunayan kung sino ang mas matalino sa kanila na kung saan pinaulanan niya ng masasamang salita ang magkapatid na Erwin at Raffy Tulfo sa kanyang naunang mga video. 

Matatandaang naipahayag niya rin na handa na raw siya diumanong kumuha ng test in public upang patunayan na hindi siya gumagamit ng kahit anong pinagbabawal. Nagbigay din ng kondisyon si Sanchez na kung mapatunayan na hindi siya gumagamit ay dapat isara ni Tulfo ang kanyang programa. kumpiyansa siya na mas mataas ang IQ niya kaysa sa kilalang mamahayag. "Huwag kang manira ng tao, huwag kang pabida, huwag kang pasikat," sabi pa ni Sanchez.



Post a Comment

0 Comments

close