HIMAS REHAS ANG LALAKI NA NAKIPAG-"FRIENDS WITH BENEFITS SA ISANG 13 ANYOS NA BATANG BABAE


"Friends with benefits" ay isang salitang nagbibigay saya sa dalawang magkakaibigan, ika nga ay magkaibigan na nagsasama without string attached but with benefits.

Ngunit sa istoryang ating ihahatid ay tila hindi masaya ang hatid ng "Friends with benefits" sa dalawang magkakaibigan. 

Si Nick Chong Seng Cheong, na nagkakasala sa edad na 21 anyos, na alam na alam niyang nagkasala siya sa isang batang babae na hinihiling niyang maging kanyang "friends with benefits". 

(Photo credit: Yahoo News Singapore)

SINGAPORE - ilang taon na rin ang lumipas, mayroong isang lalaking nakikipag kaibigan (friends with benefits) na nakilala niyang 13 anyos na babae sa online na kinumbinsi niyang gumawa ng kalaswaan kapalit ng pera. 

Ngayon si Chong ay 24 anyos na, na hatulang pagkabilanggo mula dalawang taon at sampung buwan nitong Lunes (12 April) pagkatapos mapatunayang nagkasala ng " Three counts of sexual penetrating a minor and one count of possesing obscene films". At meron pang pitong kasong magkakatulad ang kinokonsidera sa pagpapasyang hatol para sa kanya. 

Ang nasabing babae na biktima ay nasa edad 16 anyos na tinatago ang pagkakakilanlan. 

Ang nasabing akusado naman ay nagta-trabaho bilang project lead at an engineering company, na nagsisimula ang lahat sa pakikipag-chat sa biktima noong October 2017 pagkatapos ang pagtatagpo nito sa pamamagitan ng dating applicaiton na kalaunan ang kanilang usapan ay napunta sa isang kalaswaan. 

At sa kanilang pag-uusap ay hinihingi ni Chong na padalhan siya ng mga larawan ng masisilang parte ng kanyang katawan na papadalhan naman niya ito ng larawan ng kanyang pribadong parte ng katawan.

Dahil nga sa mungkahi ni Chong, ang batang babae ay sumang-ayon na maging "friends with benefits" nito sa kanya basta sa isang kondisyon na magbibigay ito ng pera bawat pagtatagpo nila kapalit na kanilang pagtatalik; sa gawaing ito na alam na alam niyang 13 anyos pa lang ito, isang menor de edad.

Sa magkaparehong buwan, nagkita ang dalawa sa isang palikuran para sa may kapansanan at doon ang una nilang pagtatalik. Ayon pa sa salaysay ay patuloy ang kanilang pagtatagpo buwan buwan mula Oktubre 2017 hanggang Pebrero 2019 at si Chong ay binabayaran niya ito sa halagang $30 na may katumbas na 1,540.00 pesos hanggang $50 o 2,420 pesos, depende sa sekswal na gawain.

Bago pa man nangyayari ang una nilang pagtatalik ay hiningian umano ito ng babae na magbabayad ng mataas na presyo sa halagang $100 na may katumbas na 4,840 pesos dahil mawawala ang kanyang pagkabirhen nito at pumayag naman si Chong.

Alam ng lalaki ng ang babae ay nangangailangan ng pera para sa laro nito at sa iba pang mga gamit. Sa tuwing mangangailangan nga ito ng pera ay magpa-book umano agad itong lalaki sa mamahaling hotel para doon sila magkita dahil kung sa mumurahin daw sila na hotel ay hahanapan pa daw ito ng i.d. at baka pag malalaman ang edad ay hindi ito pahihintulutan. Malimit na sa kanilang pagtatalik ay mangyayari sa mga hotel gaya ng Hotel Boss, Village Hotel (Bugis) at sa The Noble Hotel. 

Ang dalawa ay magkikita tuwing katapusan ng linggo pagkatapos ng klase ng babae agad itong sasabihang palitan agad ang suot niyang uniporme upang hindi mapaghinalaan ng mga staff ng mga iba't-ibang hotels na kanilang pupuntahan. Sinasabihan niya rin umano itong babae na kumilos na parang kanyang kapatid na babae sa tuwing susunduin ito mula sa lobby ng hotel. 

Sa tuwing magtatalik nga daw silang dalawa, si Chong ay hindi gumagamit ng condom bagkus lagi niyang pinapagamit ng sekswal na mga bagay ang babae at ito ay kanyang kukunan ng bidyo upang panuorin ng paulit-ulit kalaunan. 

May mga pangyayari nga umano na pinapadala umano ng lalaki ang kuha ng bidyo ng hindi kilalang lalaki upang pag-usapan na posibleng plano nilang "threesome"; ngunit ito ay hindi nangyayari.

Dahil nga dito, dahil alam ni Chong na delikado ang ganoong usapan kung kaya sinasabihan niya umano itong burahin ang mga mensahe nito sa kanya. 

Nitong Marso ng 12, 2019, ang buwan ng huli nilang pagtatalik, ang biktima ay nagsumite ng ulat ng pulisya na nagsasaad na nakipagtalik siya sa maraming kalalakihan. Ang mga nabanggit na mga kalalakihan ay nasa ilalim ng imbestigasyon ngayon na kung saan si Chong ang uunahing kasuhan ayon sa sa prosekusyon. 

Habang nasa ilalim ng imbestigayon, ang mga pulisya nakakita ng 48 na mga malalaswang bidyo mula kay Chong sa kanyang dalawang telepono. 

'Considerable measure' of sexual grooming, ayon pa sa Deputy Public Prosecutor Emily Koh na kung saan hinihingi nito ang tatlong taong pagkakabilanggo para kay Chong. At sinabi pa nitong ang antas ng pagsasamantala ng sekswal ay mataas dahil sa kanilang panghihimasok at sinamantala din umano ni Chong ang murang edad ng biktima at ang ka-inosentihan nito, tulad ng kung paano nito  hiniling na magpadala ng mga larawan ng kanyang maselang bahagi ng katawan at sinabi sa kanya kung paano siya galawin.

Binanggit din ni Koh ang pagsisikap ni Chong na itago ang edad at pagkakakilanlan ng biktima na nagpapalala ng mga kadahilanan.

Nagtalo ang mga abugado sa pagtatanggol na sina Cory Wong at Josephus Tan mula sa Invictus Law na si Chong ay dapat makulong ng hindi hihigit sa dalawang taon at anim na buwan. Itinuro nila na siya ay medyo bata pa sa oras ng mga pagkakasala.

Kaugnay sa pagsasagawa ng mga sekswal na gawain tulad nang hindi paggamit ng condom, sinabi ni Wong na si Chong ay nasubok na negatibo sa mga sakit na nakukuha sa sekswal na gawain at ang biktima ay kanya lamang ka-partner sa sekswal.

Sinabi judge na si Janet Wang na habang si Chong ay hindi gumagamit ng puwersa o pinilit ang biktima, mayroong isang "considerable measure" ng kasangkot na pag-aayos ng sekswal. Ginamit ni Chong ang pangangailangan ng biktima para sa pera upang makakuha ang kanyang sariling kasiyahan sa pagtatalik, sinabi ng hukom.



Post a Comment

0 Comments

close