NAHULI SA AKTO ANG ISANG STUDYANTE NA NAGLALARO NG MOBILE GAME HABANG NASA ONLINE CLASS


Trending ngayon sa social media ang nag-viral na video patungkol sa studyante na nahuling naglalaro ng mobile games habang umaattend ito ng online class. 

Sa unang minuto ng bidyo ay makikitang pinakinggan ni teacher ng husto at sinigurado kung sino ba talaga itong lalaking tila ay may kausap  na kalaro niya. Kung kaya itong si teacher ay napatanong,"Sino yun? Mr. Antolen?" May binanggit na pangalan na tila hindi sigurado si sir kung kaninong boses ba talaga ito hanggang sa lumabas ang pangalan sa screen habang nagsasalita itong lalaki at sabay ng teacher," Mr. Rodriguez?" na tila ay nakilala niya kung kaninong boses ba talaga ito. At sa kalagitnaan ng bidyo ay na sabi ng teacher ng "So, bastos!" paano kasi, habang si sir ay nagsasalita at galit na galit ay patuloy na maririnig ang boses ng lalaki at napakalinaw na boses na pasigaw ng "Ay, gago ka!" kung kaya si sir ay nadagdagan ang galit kaya tinawag nito ang kasamahan ng gropo ng lalaki na si Stephanie na pagsabihan g itong 'naririnig namin lahat ng mga pinagsasabi niya' hanggang sa na-mute ng teacher ang mic ng kanyang studyante at dun nagtapos ang conversation nila. 

Sa pinakahuling bahagi ng bidyo ay maririnig naman ang boses ng lalaki na nag-sosorry sa kanyang guro kung kaya ito ay napagsabihan nito na sa susunod ay kung hindi rin lang interesado umattend sa kanyang klase ay mas mabuting huwag na lang umattend para hindi maging "nuisance" sa klase at ang nasabing studyante ay hindi na maririnig sa bidyo.

Sa pangyayari ito ay agad kumalat sa social media matapos i-upload ito at nag-trending hanggang at nakakuha ito ng libu-libong views at komento mula sa netizens at tila ay halong emosyon ang mababasa sa komento nito. 

Dahil sa eksena ng bidyo, ito ang pangunahin  paksa sa bawat kwentuhan bago magsisimula ang online class na nagsisilbing paalala upang hindi na maulit muli na habang ang guro ay nagtuturo gamit ang kanyang presentation ay may naglalarong studyante na tila ay enjoy na enjoy sa online games habang ang lahat ay nakafocus sa klase. 

Narito ang bidyo na kung saan aktuwal na mapapanuod ang buong kwento. Pindutin lamang ang "Play button" upang mapanuod ito:











Post a Comment

0 Comments

close