KALUNOS-LUNOS NA SINAPIT NG KAMBAL NA KINADENA NG TIYUHIN AT INABANDONA

Kamakailan lang ay nagviral sa social media ang kambal na taga General Santos City. Makikita sa video na ang mga ito ay naglalakad na naka-kadena ang mga paa. Ang isa ay nakayo at paika-ikang lumalakad at nahihirapan at ang isa naman ay gumagapang na tila makikita sa bidyona na hindi ito marunong lumakad. 

Ayon sa mga kapitbahay, ang magkambal na ito ay ikinadena mismo ng kanilang tiyuhin at inabandona ang mga ito sa loob ng kanilang bahay. Ang mga ito ay bigla na lamang iniwan ng kanilang tiyuhin na wala man lang pasabi at hindi na muli pa itong binalikan. At ayon nga sa interbyu ng Jessica Soho ay ang ina ng mga ito ay nasa ibang bansa.

Kung ikaw ay magtatanong kung nasaan ang mga kamag-anak, ang sagot ay meron naman kaso nga lang, sila ay abala rin sa pag-asikaso ng kapatid ng mga kambal na may kaparehong sakit at alagain din. Nagpapasalamat nga ang kaanak na kung saan may mga mabababit na mga kapit-bahay na handang tumulong sa kambal kahit hindi nila ito ka-anu ano. 

May isang netizen na si Kim Ranolo ang siyang nakakita na naglalakad ang kambal at kapansin-pansin ang kadena sa kanilang paa. 

Makikita din sa bidyo na ang isa ay walang suot na damit at hirap sa kanyang paglakad at makikita mo sa bidyo na sila ay umiiyak na tila gustong kumawala sa kadenang itinili sa kanilang mga paa. Duguan ang pinagtalian nito marahil ay dahil sa tuwing sila ay maglalakad ay nasasagi at humihigpit ang kadena sapagkat nahihila marahil ng isa habang ito ay humahakbang. 

Sa kasalukuyan ay tanging mga kapitbahay na lamang ang nag-aalaga sa mga ito dahil sa sobrang awa at di nila matiis na makitang nahihirapan ang kambal.

Dahil nagviral nga ang kuhang bidyo, ito ay naitampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho. Ito ay kanilang pinuntahan, natulungan at napatingin na rin ito sa mga espesyalista. Dahil dito, ang kambal ay napag-alaman na may sakit ang mga ito. Ito ay tinatawag na autism.


Panuorin ang buong kwento bidyong ito:






Post a Comment

0 Comments

close