INA PATAY, AMA SUGATAN NG HATAWIN NG MARTILYO NG ANAK SA PAG-PRESSURE NITO NA SAGUTAN ANG KANYANG MODYUL

Madalas nating maririnig na kailanman ay hindi magawa ng isang magulang na pumatay ng isang anak dahil sa pagmamahal nito ngunit sa bayan ng Antique ay kabaliktaran ang nangyari. 

Nagviral ngayon sa social media ang isang pangyayaring napakahirap paniwalaan na isang ina ang pinatay ng anak at ang ama naman ay sugatan matapos pukpukin ng martilyo sa ulo. 

Isang ina ang pinatay at ang kanyang mister naman ay sugatan matapos nitong pukpukin ng martilyo ng kanilang anak na may edad na 16 anyos, lalaki sa bayan ng Anini-y, Antique. 

Mula mismo sa Anini-y Municipal Police, isang lolo ang nagpunta sa tanggapan nila para i-report ang isang krimen na kung saan ang suspect ay kanyang apo na Grade 11 student. 

Ayon sa imbestigasyon, habang nakatalikod ang kanyang ina ay hinataw ito sa ulo sa loob ng kanilang bahay at nang dumating ang kanyang mister mula sa kanyang trabaho, sa kaparehong posisyon ng ina, ay nakatalikod din ito ng pukpukin ito ng martilyo sa ulo ng suspek; natamaan ito pero nakuha pa nitong tumakbo. Agad naman isinugod ang mag-asawa sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ang ginang matapos itong lubhang tinamaan sa ulo. 

Pagkatapos sa pangyayari ay agad tumakas ang suspek na dala pa umano nito ang 14,000 pesos na ninakaw mula sa kanyang magulang ngunit kalaunan ay nahuli din ito sa isang border control checkpoint na ngayon ay nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). 

Napag-alaman na kaya pala nagawa ng anak ang pag-martilyo sa kanyang magulang ay dahil kinulong umano ng ina ang kanyang Grade 11 student na anak at pinilit itong pasagutan ang kanyang  Self-Learning Materials o modyul. 

Para sa karagdagang detalye panuorin ang video mula sa balita ng News 5:




Post a Comment

0 Comments

close