NAG-CROSS NG LANDAS ANG DALAWANG MARITES: NALAMAN NA ANG ISA SA KANILA AY NAGKALAT NG CHISMIS

Marites, Mareposa, at kung anu-anong tawag sa isang taong mahilig manchismis. Ito na ang bagong tawag sa mga mahihilig magchismis, lalo't higit sa kapitbahay. 

Mayroong nagviral na video na kuha ng isang netizen na dalawang babaeng nagpang-abot dahil nalaman umano ng isa na ang kanyang kapitbahay ang nagpakalat ng chismis. 

Dahil dito, galit na galit ang chinismis nang marinig niyang siya pala ang pinag-usapan. Walang sabi-sabi ay sinugod niya ang chismosa at parang mga manok na nagsalpukan ang dalawa habang kinukunan ito ng bidyo ng isa sa mga nandun sa pangyayari. 

Makikita sa bidyo na may mga MERON na nakisawsaw sa away ng dalawa ngunit nang makita ito ng kapamilya ng isa ay agad namang rumesbak at ito ang dahilan kung bakit tila riot ang kinahinatnan ng pag-aaway nila. Hampasan dito, sabunutan dun ang nangyari hanggang sa nagsilabasan ang ibang kapitbahay upang makibalita sa pangyayari. 

Dahil nga sa eksenang nakunan ng bidyo, agad itong kumalat sa social media hanggang sa nagviral ito at di napigilan ng ibang netizen na mag-komento at nagkapalitan ng maanghang na salita, habang ang iba ay may nakakatuwang komento ukol sa pangyayari. 

Isa nga sa comment na mababasa ay, "Yan, ang nachismis ang siyang laging huling nakakaalam." May iba naman na nagsasabi, "Sige! sampalin mo ng mag-asawang sampal! Yan ang mapapala ng chismosang magpapakalat ng kwentong walang basehan!"

Kaya sa mga marites diyan, hinay-hinay lang at kontrolin naman ang sarili. Kung sa tingin mong hindi naman totoo ang sasabihin ay pigilan naman ang sarili kasi sa panahon ngayon, halos lahat na yata ng tao ay may cellphone na maaari kang makunan at ang masaklap ay ikaw ang maging kontrabida. 

Matatandaan nung nakalipas ng mga linggo ay naitampok ni Ms. Jesica Soho sa kanyang programang,"Kapuso Mo, Jesica Soho (KMJS) ang tungkol sa mga marites na kung saan ay may mga iba't ibang tawag sa mga chismosa. 

Upang mapanuod ang buong pangyayari, narito ang bidyong kuha ng isang netizen:  





Post a Comment

0 Comments

close