EDUCATION OFFICIAL PATAY MATAPOS BARILIN SA TACURONG, SULTAN KUDARAT


              Image: Saksi Education official shot dead in Tacurong, Sultan Kudarat

Patay ang isang Education supervisor sa Tacurong City, Sultan Kudarat, ayon sa ulat ng "Saksi" nitong Martes.

Agad na dinala sa ospital si Javier Kumandi Sr., na nakabase sa Maguindanao, ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education, ngunit idineklara itong dead on arrival. Sugatan ang kanyang asawa sa insidente.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng kanilang sasakyan ang mag-asawa at pauwi na. Hinarang ng mga suspek ang sasakyan saka sila pinaputukan.

Pagkatapos ay tumakas ang mga suspek patungo sa hindi pa batid na direksyon.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo sa likod ng krimen. 

Source: GMA News


Post a Comment

0 Comments

close