Nakataas ang alerto sa mga lalawigan ng Palawan at Basilan ngayong Martes, Pebrero 11, 2025, dahil sa nakatakdang paglulunsad ng Long March 8A rocket ng People's Republic of China mula sa Wenchang Spacecraft Launch Site sa Hainan.
Ang paglulunsad na ito, na orihinal na itinakda noong Enero 25, ay muling itinakda sa Pebrero 11 sa pagitan ng 9:22 AM at 10:16 AM.
Naglabas ng abiso ang Office of Civil Defense PH kaugnay ng tatlong itinalagang drop zones kung saan posibleng bumagsak ang ilang bahagi ng rocket:
DROP ZONE 1 – Humigit-kumulang 85 nautical miles mula sa Rozul Reef.
DROP ZONE 2 – Humigit-kumulang 40 nautical miles mula sa Puerto Princesa, Palawan.
DROP ZONE 3 – Humigit-kumulang 33 nautical miles mula sa Hadji Muhtamad, Basilan.
Nagbabala ang Philippine Space Agency sa publiko na huwag lalapitan o kukunin ang anumang debris na maaaring mahulog mula sa rocket, dahil posibleng magtaglay ito ng nakalalasong kemikal.
PAALALA: Kung hindi maiiwasang makalapit sa debris, gumamit ng personal protective equipment (PPE).
Hinimok din ang mga residente at mga mangingisda na agad ipagbigay-alam sa mga lokal na awtoridad kung may makitang kahina-hinalang debris.
Source: Philippine News Agency
0 Comments